[Repost] The 26th floor Trafalgar Plaza story

A scam or not?

A scam or not?

3:30pm, June 9 — Tuesday. I received a mobile phone call from a certain person named Ford (+63917-832-6677), saying: “Sir, you are referred by Ms. Shirley dela Cruz, one of the members of my team. I am from a US-based marketing company and we are expanding here in the Philippines.”

Shirley is indeed a former colleague in my previous employer so I taught she might have really recommended me for this so I accepted the conversation when he asked me if it is okay to conduct a brief talk at that moment.

It was a hefty three- to five-minute conversation. He asked if we could meet up on Friday at 6:30pm, and the details would be sent over a text message. At the end of the conversation, I can clearly recall when he said, “Sir, you sound very professional. Are you the type of person who cancels an appointment at the last minute?” I definitely said no.

As if the guy was in a hurry to cut the conversation short so he could send the details on text, I was unable to ask for the name of the company. Immediately after hanging the phone, I sent a text message, asking him for the information.

15 minutes passed. To no avail, I put my “research mode” in progress. As I typed 26th Floor Tra on the Google search engine, a small box appeared which indicated “26th floor Travalgar Plaza.” To my amazement, I had a gut feeling that this is already a scam or perhaps a sort of it.

I browsed through blogs, fora, and sites which actually bewared readers on this incident. Some (and there are a lot of them available, just use 26th floor trafalgar plaza as your search keywords) are as follows:

Pinapapunta ka ba sa 15th floor Octagon Building, san miguel ave, pasig city?

15th Flr Octagon Bldg, 26th Flr Trafalgar Plaza: BEWARE!

How to Detect Misrepresentation in JOBS (Updates)

Beware of the 15th Floor, Octagon Building Scam

A Bigatin Scammer at 15th Floor Octagon Building! BEWARE!

By the way, Ford replied late (more than 30 minutes since I asked for the name of the company) with “Synergy 1 Ventures.” I sent a text message, stating: “If this is related to NuSkin (as a part of Pharmanex), please consider me out of the meeting on Friday.” To which Ford replied an hour later, “Ok, I understand. Thank you and God bless.”

In light of trying to justify the other side, I have reached Shirley through text, asking her if this is a scam or not (since Ford claimed that she is a member of his team), and she confirmed that she works part-time at Pharmanex, stating: “Di noh (Of course not)?! What do you think of me, engot (moron)? Iba ang opinion sa facts, Xy (opinion is different from facts, Xy). Pumunta ka, tignan mo muna bago ka mag-decide (Meet with him first before you decide). Wala namang mawawala sa iyo (there’s nothing to lose).”

NOTICE: Though I have no direct claim of being scammed by Ford or his group, I have decided not to push the meeting through as far as my Google search is concerned. I am not, in any way, confirming that this is actually a scam. I have posted this article to inform readers about this incident — that someone might call you regarding this matter. And if you, by chance, are able to meet with this group, kindly leave your comment.

This is Xy, breaking the silence.

***

Pharmanex logo is broken from here.

Originally posted 09 June 2009.

[Repost] Bob Ong o Tang Ang: Alin ang Pinoy?

Malamang sasabihin ninyo na maka-Bob Ong ako. Eh ano ngayon? Pati ba istilo niya ay kailangan kong gayahin? Nabasa ko ang kanyang mga aklat. Nagustuhan ko ito. Pero hindi ibig sabihing nagustuhan ko ito ay sumasang-ayon ako sa lahat ng nakasulat doon. Kung anuman ang relasyon ng artikulong ito sa kanya, wapakels.

Kumakalat sa isang email mula raw sa isang ‘middle-class Pinoy’ – “Wala ako comment sa mga mahihirap, di naman kasi sila maingay na kusa e, may bayad ang ingay nila. Saka wala rin naman sila email.” Talaga? Kaya pala. Dahil nakakapagamit ako ng e-mail, ibig sabihin ay kabilang ako sa sinasabi niyang estado niya sa buhay.

Para mag-imbistiga, nagpunta ako sa ilang Internet Café, kahit sa mall pa yan o sa may subdivision sa amin (O, baka middle-class din ako kasi sa subdivision ako nakatira. Ganun?!). Pagpasok ko, maraming tao – may matanda, bata, naka-tsinelas, nakasapatos, naka-paa, naka-sando, naka-polo, at kung anu-ano pa. Karamihan nakabukas ang Friendster account. Di ba bago ka makapag-rehistro dun, kailangan mo ng e-mail account para dun ipapadala yung Verification Code? Karamihan ng tao sa mga internet café, mga mahihirap. Mga walang trabaho. Saan nga naman kasi nila gugugulin ang kanilang oras sa buong maghapon? Kung anuman ang relasyon ng Friendster sa nais kong maging punto, bahala na kayong mag-isip.

Bakit nga ba hindi umuunlad ang Pilipinas? Kwento ng isa kong kamag-aral na nung minsa’y sumakay siya ng jeep at iniabot ang bayad niyang PhP13.00 (mula Tenement hanggang Alabang), humingi pa ang drayber ng dagdag na dos. Siyempre, todo tanggi sa pagdagdag ng kanyang bayad ang aking kamag-aral na itatago natin sa pangalang Ace (hindi tunay na pangalan?). Nasa kainitan sila ng diskusyon nang magsalita ang isang not-so-young na girl sa kanyang high-toned voice: “Excuse me, do you want me to fay it for you?! Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa mga taong tulad mo!”

May point yung Ale no?! Ale vs. Ace. Wow!!! Kaya pala hindi umuunlad ang ating bayan. Kasi, may mga estudyanteng pilit na nagsusumikap para makapagtapos ng kanilang pag-aaral. Kaya pala hindi umuunlad ang Pilipinas kasi kulang ang kinikita ng mga drayber na nagpapasada buong araw. How nice. Samakatuwid, kung may sampung mag-aaral (approximately) ang sasakay sa isang jeep, madadagdagan ang kikitain ni manong drayber ng beinte pesos. At kung si manong drayber ay papasada ng sampung beses kada isang araw, ibig sabihin nun ay aabot ng dalawang-daang piso ang kanyang dagdag na kita! Wow, what an incredible offer. But wait, there’s more (brought to you in part by Home TV Shopping)!!! Ayon sa isang study, mayroong mahigit-kumulang sampung milyong jeep sa Metro Manila. Kung hindi ka naniniwala, p*t@ng!n@ k@! Wag mo nang ituloy ang pagbabasa nito. Wala ka palang tiwala sa akin eh! Balik tayo sa main course ng ating topic. So kung totoo nga (maski ako hindi naniniwala sa nakasulat diyan, eh ano ngayon!?) ang impormasyong iyon, magkakaroon ng dalawang bilyong dagdag na kita ang lahat ng mga drayber ng jeep sa buong Metro Manila!

At kung pagsasama-samahin nila ang kanilang kinikita araw-araw, yayaman ang Pilipinas! Yesss!!! Hooh! Party! Sana totoo di ba?

Paano pala kapag sabihin ni manong drayber (what if bigyan din natin siya ng pangalan para naman hindi na maging redundant ang manong… nevermind.) na walang estu-estudyante dahil parehas lang naman silang naghihirap at nagsusumikap sa buhay? Tama ba yun?! Sino ba ang nagtakda ng ganung panuntunan? Mga mambabastos, uhm, mambabatas pala. Yeah, right. Mambabatas. Kung ganun, ang diskwento bang nakukuha ng mga estudyante sa pamasahe ay legal? Oo. Legal. Sino ngayon ang nasa tamang lugar? Ang estudyante o ang mayamang (siguro lang ha, kasi she wants to pay for it) ale?

Hindi nga ba umuunlad ang Pilipinas kasi may estudyante? O dahil may mga taong nanlalamang sa KAPWA Pilipino at may taong hinahayaang manlamang sa KAPWA Pilipino? Kapwa Ko, Mahal Ko.

Sa bookstore, kapag kulang ang panukli ng kahera, minsan ang sasabihin ni customer ay “Keep the change.” Ang ‘itinagong palit’ bang ibinigay kay kahera ay napupunta sa kinikita ng bookstore? Hmmmn.

Speaking of bookstore, nagugutom ako. Minsan ay kumain ako sa Jollibee (in fairness, eh kasi sa book ni Bob Ong eh ilang beses binanggit yung Mc Donald’s at yung ballpen nila). Ayun, ang sarap ng kinain ko. Pagkatapos nun ay pumasok ako ng maaga sa trabaho (hindi ko na babanggitin kasi baka tanggalin ako bigla) at habang wala pa akong ginagawa ay nagtungo ako sa Pinoy Exchange Forums. Basa. Nabaliw ako sa isang thread. Nagsimula ang lahat sa pagtatanong ng ama ng isang PExer sa sales lady ng SM.

Dad: Miss, pwede bang paki-check ang perimeter ng table?

Saleslady: Sandali lang po. Lito (kasamahan niya), paki-check nga yung parameter ng mesa!

Salesman: Parameter?

Saleslady: Yung parameter? Di mo ba alam ang ibig sabihin ng parameter?

Dad: Miss, pakisukat na lang yung haba at lapad ng mesa.

Akala nyo ba tapos na diyan ang kwento? Mali! Hindi ko alam kung matatawa ako o matatae. Humaba pa ng humaba ang argumento dahi kung sinu-sino pa ang humirit:

“Kung tutuusin, mali rin naman ang tanong ninyo eh. Ang perimeter kasi ay ginagamit lang sa pagsukat ng lupa. Kaya nga per meter.

“Mali nga rin naman ang pagkakasabi ng dad mo. Dapat ang hiningi niya ay dimensions ng table. Ang dimension, kung tungkol sa table ang pinag-uusapan, ay ang length at width.”

Siyempre, reply naman ang anak ni dad.

“For your info, area is used to measure land. That’s why the size of a lot is in terms of square-meter. Ano ba ang sinasabi mong per meter? Baka tawanan ka ng real-estate agent kapag nagtanong ka kung magkano kada metro ang lupang nais mong bilhin. Hindi naman tela ang binibili mo.”

Ang galing nga mga Pinoy di ba? Sabi nga ng Brownman Revival: “Maliit na butas, lumalaki! Konteng gusot, guma-grabe!” Bakit nga ba hindi tayo umuunlad? Dahil ba ang pagkakaintindi natin sa perimeter ay parameter? Dahil ba per meter tayo kung bumili ng lupa? Dahil ba magaling tayong pumuna sa kamalian ng iba? O dahil may isang manunulat na tulad ko na nakaupo lamang ngayon sa harap ng PC para magsulat ng ganito?

Pag-uwi ko ng bahay galing sa trabaho. Binuksan ko ang TV. Syempre sa Kapamilya Network agad. Ipinakita ang tungkol sa pag-akyat ng isang pangkat ng mga Pinoy na susubukang akyatin ang Mt. Everest. Wow. May gold ba dun? Aksidente kong napindot ang katabi ng red button (para sa ABS-CBN 2) na green button. Syempre, alam nyo na kung saan ito nailipat. Ipinapakita ang pag-akyat naman ni Garduce kasama ang ilang alien paakyat din sa Mt. Everest.

Whada!!! Pati ba naman sa tuktok ng Mt. Everest ay dala-dala nating mga Pinoy ang Network War? Aba aba aba. Sana ay magkaroon ng expedition papuntang araw. At kung sino sa kanilang dalawa ang unang maka-landing (as if naman solid mass ang araw) dun ang siyang pinaka-BEST at #.00001 (mas close to zero yan kaya higher than 1) TV Station sa Pilipinas.

Totoo nga kayang Network War ang dahilan kung bakit nagkaroon ng magkahiwalay na coverage ang dalawang gigantic stations na yan? O sadyang marumi lang ang utak ko kagaya mo?

Maraming Pinoy ang nagsasabing hindi maganda ang pakikipag-tsismisan. May mga nagsasabi pa na hindi raw siya tsismoso o tsismosa. Try mong umutot. Maya-maya, yung mga nagsasabing hindi sila tsismoso o tsismosa, nagbubulung-bulungan na habang nakatingin sa iyo. Malay mo naman pinag-uusapan lang nila kung ano ang kinain mo kanina di ba?

Ang mga magulang, laging sinasabihan ang mga anak: kumain ka ng gulay para lumakas ang iyong katawan, uminom ka ng gatas bago ka matulog, masamang magmura, ang paninigarilyo ay hindi nakabubuti sa iyong kalusugan, at kung anu-ano pa. Pansinin mo – pagkain ng papaitang kambing at sobrang obssession sa taba ng baboy, pag-inom ng alak, pagmumura, paninigarilyo. Hindi mo ba nakita yan sa magulang mo? Kung oo ang sagot mo, ituloy mo ang pagbabasa. Kung hindi naman, ang bait naman ng parents mo. Sana kunin na sila ni Lord… mula sa kahirapan. Para maging lalo pang maging masagana at masaya ang inyong pamumuhay, di ba?

Sa ibang bansa, *pasintabi sa mga kumakain (tama ba naman kasing kumain at magbasa at the same time?)* pagkatapos maligo ay nililinis nila ang kanilang ilong para wala na itong K paglabas nila ng bahay. Sa Pilipinas, you can do it everywhere you like! As in may procedures pa kung paano ito gagawin – mula pagsundot, pagbilog, at pagpitik. Sana ay isabatas na iyan para hindi sundin.

Sa ibang bansa, iba ang kanilang kultura. Hindi sila Pinoy. Tayo’y mga Pinoy. Tayo’y hindi Kano. Wag kang mahihiya, kung ang ilong mo ay retokada. Seryoso. Eh kung may pera ka naman to do it, why not!?

Pero, uulitin ko ang tanong, bakit nga ba hindi umuunlad ang Pinoy? Dahil ba BOB O. ang Pinoy? Dahil ba pulitika ang lagi nating iniisip? Dahil ba network war ang lagi nating iniisip? Dahil ba away ang lagi nating iniisip? Dahil ba laging kumpetisyon sa kapwa Pinoy ang lagi nating iniisip? Well, tulad nga ng sinabi ng isang exec ng isang top TV network (wag nang banggitin kung saan kasi baka isipin ninyo Kapamilya talaga ako – hehe), “Competition is good as long as we keep it healthy.” Nak ng tokwa! Sana nga ganun eh!

Kapag sumama at nagpabayad ang isang Pinoy upang sumali sa malawakang rally sa EDSA, BOB O. ba siya?

Kapag hinayaan ba ng isang Pinoy na tratuhin siya bilang katulong ng isang dayuhan sa loob mismo ng sariling bayan dahil sa kulay ng balat at estado sa buhay, BOB O. ba siya?

Kapag nagsisipilyo ba ang isang Pinoy nang nakabukas ang gripo at magreklamo sa taas ng binabayarang singil sa tubig, BOB O. ba siya?

Kapag nanood ba maghapon ang isang Pinoy at magreklamo sa gobyerno dahil wala siyang trabaho, BOB O. ba siya?

Kapag na-rape ba siya dahil mahilig siya sa nightlife at kung magsuot ng pang-ilalim ay super duper micro nano mini short shorts to the maximum, BOB O. ba siya?

Kapag nagkaroon siya ng credit card at bumili ng kung aning-aning na kaartehan sa buhay sabay biglang pag-iwas sa tawag sa kanyang cellphone at landline number dahil sa tumatawag na credit card agent, BOB O. ba siya?

Ang mga kasagutan sa pagbabalik ng… The Buzz!

Walang taong bobo. Wala nga ba? Kasi ang alam ko, lahat ng tao ay binigyan ng kakayahang mag-isip at pumili ng gusto niyang mangyari sa kanyang buhay. Kahit wala kang pinag-aralan, hindi ka bobo. Kahit hindi ka kumakain ng tatlong beses sa isang araw, hindi ka bobo. Magiging bobo ka lang kung talagang bobo ka. Malabo ba? Bobo kasi ako. Minsan.

Kung alam mong mali ang ginagawa mo pero ginagawa mo pa rin ito ng paulit-ulit (na binabalanse mo lang sa pamamagitan ng pangungumpisal sa simbahan once in a blue moon), hindi ka BOB O. TANG A. ka. Wag ka na sanang magpakasal para di ka na dumami. Naku, kahit pala di ka ikasal, pwede ka pa ring dumami. Basta, huwag ka na sanang magkalat ng lahi mo.

Ano ba sa palagay mo kung ano ka? Sino ang dapat na maging ikaw? Ano nga ba ang Pinoy? Bob Ong – Pinoy o Tang Ang – Pinoy? Vote now! Sige, hala, text na. Ubusin mo ang load mo sa pagboto sa halip na ipunin mo yan pambili ng makakain mo. Di mo naman maipantetext yung pagkain di ba? Sana nga pagkain na lang bilhin mo, hindi yosi. Okay na sa akin ang maging BOB O. Wag lang maging TANG A.

This is Xy, breaking the silence.

***

Elyong Busyok illustration is broken from here.

Originally posted on 09 June 2009.

A 2-week break from ‘Breaking’…

Now for a two-week break from blogging because I will be very busy…

I uploaded a cover of Taylor Swift’s “Better than Revenge” which has been covered with a guy version by Tyler Ward.

The story starts when it was hot and it was summer and
I had it all, I had her right there where I wanted her
He came along, got her alone, and let’s hear the applause
He took her faster than you can say sabotage

I never saw it coming, wouldn’t have suspected it
I underestimated just who I was dealing with
He had to know the pain was beating on me like a drum
He underestimated just who he was stealing from

He’s not a saint, and he’s not what you think
He’s an actor, whoa
He’s better known for the game that he played
He never loved her, whoa

Soon he’s gonna find stealing other people’s toys
On the playground won’t make you any friends
He should keep in mind, he should keep in mind
There is nothing I do better than revenge

They look at life like it’s a party and they’re on the list.
They look at me like I’m a trend and they’re so over it
I think their ever present frown is a little troubling
They thinks I’m psycho ’cause I like to rhyme their name with things but

Sophistication isn’t what you wear or who you know
Or pushing people down to get you where you wanna go
Oh, they didn’t teach you that in prep school, so it’s up to me
But no amount of vintage dresses gives you dignity

He’s not a saint, and he’s not what you think
He’s an actor, whoa
He’s better known for the game that he played
He never loved her, whoa

Soon he’s gonna find stealing other people’s toys
On the playground won’t make you any friends
He should keep in mind, he should keep in mind
There is nothing I do better than revenge